Feeling summer. :)

Feeling summer. :)

Nakakatuwang isipin na sa pagkakataong ito ay nakasisigurado na ako sa kung saan talaga ang dapat kong pagkalagyan sa mundo — na hindi gaya noon na mas namamayani sa akin ang takot, ay mas matatag na ako ngayong humaharap sa mga hamong sa akin ay ibinabato.

Alam kong nagsisimula pa lamang ako dito sa panibagong bahagi ng buhay ko, pero nakakatuwang makita ang unti-unting pagkakasakatuparan ng mga pangarap kong minsanan na rin noon naglaho. Na pagkatapos ng mahabang paghihintay ay heto’t muli na naman akong lumalaban, pero sa pagkakataong ito ay wala nang plano pang sumuko o magpatalo hangga’t ang tagumpay ay hindi ko pa nakakamtan.

Unang araw ng klase.

Unang araw ng klase.

Of Coffees and Faucets

  • JD: Tara, inom. Juice o kape?
  • Alex: Kape, sir. Kape ang dumadaloy sa mga ugat ko, e.
  • JD: Buti ka pa. Akin kasi tubig gripo.
  • Alex: Lol. Pakuluan mo muna iyan ha!
  • JD: Hindi na, sir. Kailangan din natin minsan maging madumi.
  • Alex: Pero di ako immune sa bacteria, e.
  • JD: Ayos lang yan. May mga bagay na sadyang hindi natin matanggap sa una.
  • Alex: Katulad ng mahal ko na hindi ako mahal?
  • JD: Katulad ng taba ko na habang buhay ko nang dala-dala.
  • Alex: At kagwapuhan natin na di nila matanggap. HAHAHAHA!
Selfie. 

Selfie. 

Lagi na lang ganito ang kinahahantungan ko. Sa tuwing may darating na isang taong magpaparamdam sa akin na mahalaga ako, na meron palang makatatanggap ng mga kakulangan ko’t mga kasiraan ng ulo, agad kong ibinababa ang itinindig kong pader upang magbakasakali na namang pwede akong maging maligaya — na mayroon akong importansiya. 

Pero hindi, e. Hindi nga pala. Isang malaking pagkakamali nga pala ang umasa—ang muling umasang ako’y magiging maligaya pa. Dahil paglipas ng ilang panahon, magigising na naman ako sa panibagong umagang ako na naman lang mag-isa at kinakailangan ko na namang dagdagan ang taas ng aking pader para iligtas ang sarili ko mula sa pananakit ng iba.  

  At minsan pa
     ay natagpuan
         ko ang sariling
      nalulunod
  sa kalungkutang
       kung saan
          ay kusa
      akong
   sumisid at
       nagpatianod

Pagkatawid Lang Beach
Julugan, Tanza, Cavite
Oct. 5, 2013

Nais kong magsimulang muli. Magpanibago. Alisin sa buhay ang lahat ng mga bagay na nakapagpapagulo lamang sa isipan ko. Ilayo ang sarili mula sa mga taong maaaring maging dahilan ng pagkadapa ko — ng mas ikalulungkot ko. Na maging mas matatag sa pagkakataong ito. Matutong manindigan. Tumayo sa sariling paa ko at hindi dahil sa dikta ng ibang tao. 

Sa araw na ito, nawa ay lubos ang iyong ligaya
Ligayang higit pa sa Jollibee, kung saan bida ang saya
Kumbaga kasi sa beauty pageant, kabog mo lahat sila
Dahil sabi nga ni pareng Quest, ikaw ngayon ang bida

Kahit pa maubos ang tinig, hindi ko pagsisisihan ito
Dahil gaya nga ng crush kong si Yeng,
  marami akong dapat ipagpa-salamat sa iyo. 
Tunay na kaibigan, lagi kang naririyan
Paalala pa sa akin ni coach Sarah, 
   nararapat lang na ika’y aking pasalamatan

Yung mga bumabalewala sa atin, hayaan na natin sila
Sabi nga diba sa Leron Leron Sinta, humanap daw ng iba
At kung maghahanap man, yung karapat-dapat na
Yung gaya ng sabi ni Sandara, 
       walang sabit at hindi puro lang porma

Anumang pagsubok ang sa iyo ay humamon
Huwag kalimutang tumingala,
     sa Kanya ka humanap ng tulong
Dahil sabi nga ni Aiza, pagdating daw ng panahon
Ang takbo ng mundo, ay sa iyo rin aayon

Laging mong pakatatandaan,
 ako si Sam Milby at hindi kita iiwan
Talikuran ka man ng mundo
          mawala man ang ibang kaibigan mo
 Zia Quizon ang peg ko, nandito lang naman ako

Maligayang kaarawan, tsong! :) 

At tuluyan
   na nga 
kitang 
   papakawalan

kahit na ba 
   hindi naman
talaga kita 
   naangkin
kahit na kailan

   Paano
nga ba
   gagawing
bitawan

   ang isang
bagay na
   hindi mo
naman
   nagawang
hawakan?

Hindi mo lang alam kung gaano katindi ang pagpipigil ko sa sarili na palagiang kausapin ka. At pinipilit ko, pinipilit ko talaga. Na hanggat makakaya ay subukang iwasan ka. Na hindi ka kamustahin at maya’t mayang alamin kung ano ang iyong ginagawa.

Hindi ko kasi gustong dumating yung pagkakataon na sa pangungulit ko ay tuluyan ka nang mairita. Ayokong mangyari na sa akin ay magsawa ka. Kaya’t mabuti na nga siguro ito. Maghihintay na lang ako. Magtitiis. Tutal ay dito naman ako magaling. Nasanay na. Aasa na lang na kahit papaano ay makaramdam ka — na nandito ako’t laging inaabangan ka. 

Kukunin mo ba ako
    bago pa iba ang sumalo
O hihilahin na kita
    bago ka pa mahablot ng iba?

 Maghihintay na nga lang ba ako
    naghihintay ka rin nga lang ba?
Napakalabo
    Ang labo nating dalawa

Ikaw ang pagkakamaling hindi ko gustong tigilan
Ang pagkakakamaling labis kong pinahahalagahan
Ikaw ang pagkakamaling hindi gagawing bitawan
Ang pagkakamaling nais kong
            maging pagkakamaling akin lang.