Dito sa tumblr ay nagkakaroon tayo ng pagkakataon na masulyapan ang isang bahagi (o higit pa) ng buhay ng mga taong pina-follow natin. Minsan ay hinahayaan nila tayong makialam. Minsan ay hinahayaan nila tayong magdikta sa mga desisyon nila sa buhay. Madalas na hinihingi ang ating opinyon sa mga bagay-bagay.

Pero sa huli, dapat pa rin nating isuksok sa mga kokote natin na hindi natin iyon buhay at ang huling desisyon ay nasa taong iyon pa rin naman. Madalas kasi ay sumusobra na rin tayo sa panghihimasok. Nawiwiling mangialam na sumusobra na rin naman kung minsan. At madalas na nagre-resulta ng di pagkakaunawaan.

Nandito tayo upang malayang ibahagi ang ating nararamdaman. Nawa’y sama-sama tayong magkasayahan o kung maaari man lahat ay magmahalan.

  1. koreyanaa reblogged this from panaghoy
  2. panaghoy posted this